PR Gaz

PR Gaz

Web News > 2010 > Naubusan ng gas, nanalo ng sangkatutak na premyo

Naubusan ng gas, nanalo ng sangkatutak na premyo

Ang swerte minsan talaga ay dumarating ng di inaasahan. Ito ang nangyari kay Benjie Jaime ng Old San Jose, Dinalupihan, Bataan.

Habang nagluluto ng pananghalian si Benjie, naubusan ito ng LPG. Dagli siyang tumawag sa PR Gaz Dinalupihan branch kung saan Suki Card member ito upang magpa-deliver ng gas. Dahil may pa-promo ang PR Gaz nung panahon na ‘yon na tinawag na "Big Time Pa-premyo sa Agosto", napasali si Benjie at nagkaroon ng raffle ticket.

Makalipas ang ilang lingo, laking gulat nito ng mabalitaang sya ang nanalo ng grand prize sa promo. "Di ko sukat akalain ako mananalo, laking pasasalamat ko sa PR Gaz nabigyan kami ng gamit sa bahay". Si Benjie na nagsasaka ng palay ay matagal ng suki ng PR Gaz.

Kahalintulad din ang kwento ng iba pang winners sa promo. Si Wilma G. Garcia ng 14-15th St. West Tapinac, Olongapo City na nanalo ng 2nd prize, isang entertainment showcase nagkakahalaga ng Ps. 20,000 ay hindi rin makapaniwalang nanalo sya. "Natutuwa ako. Sabi ko sa rider ng PR Gaz na ihulog nya ‘yung isang stub. ‘Di ako makapaniwalang nanalo ako sa raffle," kwento ni Wilma, isang nurse at may dalawang anak..

Ganun din ang naging reaksiyon ni Liza Arambulo ng Balangay Urbiztondo na nanalo naman ng dinnerware showcase na halagang Ps. 10,000. "Masaya ako at maganda ang mga premyo," sabi ni Liza.

Ang nasabing papremyo ay taunang handog ng PR Gaz para sa mga suki nito.

Si Benjie Jaime ay nagwagi ng papremyong nagkakahalaga ng mahigit P30,000 na personal na in-award ni COO-Franchising Siu Ping Par. 

Masayang tinanggap ni Wilma Garcia ang 2nd prize mula kay COO-Operations Engr. Orlando Reyes.

Kasama ni Liza Arambulo ang mga anak sa pagkuha ng 3rd prize na dinner set mula kay BDD-OIC Voltaire Garcia.